Tribute ito para sa aking 5th home and pinaka favorite means of transportation: The AIRCON Bus
Okay, basa:
1. Huwag magbayad ng P1000, lalo na pag umaga palang, at mag isa ka lang! ANU BEH! Para di na bababa ang konduktor para magpapalit ng barya sa mga gasolinahan, magmakaawa sa toll gate, at makipagchikahan sa kapwa konduktor.
2. Kapag may gustong tumabi sayo, paupuin mo naman. Hindi ung slow motion ka pa habang inaalis ung bag mo na nakalagay sa upuan.
3. Kapag nakatayo ka dahil puno na, huwag harangan ang TV.
4. Kapag standing obation, huwag namang awayin ung taong nakaharang sa TV. Ikaw kaya ang tumayo buong biyahe?
5. Kapag super antok ka, huwag mo namang daganan ung katabi mo.
6. Kapag dumadaan ka sa gitna, huwag banggain ang mga nasa aisle. Ewan ko, naiirita ko sa ganun. Maglalakad ksi nakaharap, dapat pa-side view.
7. Huwag mag-vandal sa mga upuan.
8. Huwag magdikit ng bubble gum sa handle ng upuan or kahit saan.
9. Huwag mag-iwan ng kalat sa bus << pero ginagawa ko toh 😀
10. Kapag inalok ka ng pagkain ng katabi mo, huwag mong tatanggapin. Baka hindi ka na magising. *nginig
11. Sa mga nanay diyan, at mga oldies.. kapag gusto po naming umidlip, huwag nyo naman po kaming kausapin pa at makipagchikahan na parang ang close close natin. LOL.
12. Sa mga girls.. kapag naunahan na kayong magsuklay ng katabi niyo, wag na kayong makisabay pa! Magsikuhan na lang kayo.
13. Sa mga boys.. hindi ko alam kung uso pa ang gentleman ngayon, pero sana paupuin nyo naman ung mga babaeng nakatayo.
14. Sa mga menyak.. HUWAG NYONG MANYAKIN KATABI NYO.
15. Itago ang mga bus tickets, huwag isuksok sa upuan.
16. Kung madali kang mahilo, uminom ng bonamine. Magdala ka din ng plastic bag kasi kadiri kung susuka ka sa sahig or sa bag mo (uu may nakatabi ako dati, sumuka sa bag niya) kasi nga naman hindi mo pwedeng buksan ang bintana, basagin pwede. OR mabuti pang huwag na lang sumakay sa aircon na bus!
17. Ewan ko lang ha, pero para sakin mas okay na kapag malapit ka nang bumaba dapat maglakad ka na papunta sa pinto ng bus kahit naandar pa ang bus, kesa magsisigaw ka ng para! para! tas aawayin mo pa yung driver kasi hindi kaagad pumara.
18. Aircon niyo tapat nyo sa bumbunan nyo!
Dapat 20 yan, pero wala na kong maisip!
Next time ulit! tata! 😀
naandar ang bus eh…
19. kapag may mga alagad ng jmc or kung anu pang religious groups wag basta magbigay ng pera…interviehin debatehin muna..pag kumbinsidu ka bigyan mo at least may nakausap ka …yung iba kasi minememorize lang mga sinasabi sa bus
deng, nakalimutan ko yan.
haha
LOL. Miss you Jo! =p
hahahaha… okay to ah! agree ako sa lahat!
hehe natuwa me
wow ganda ng design ng blog mo
crisel! *hugs
jayne! *beso
misch! ahihi thanks 🙂
11. Sa mga nanay diyan, at mga oldies.. kapag gusto po naming umidlip, huwag nyo naman po kaming kausapin pa at makipagchikahan na parang ang close close natin. LOL.
—intindihin nyo naman kami, nalulungkot lang kami minsan sa byahe, nalipasan na kami ng panahon…. dyaskeng bata to
lol. dapat dito i-print at ipaskil sa mga bus, lalo na sa mga bus na bumabyahe sa EDSA.
LOL. thanks pao 😉