Nakuha ko na ung “ImPAWsible is nothing, GO USTe” racer ko, nagmeet kami ni Clarizza sa Trinoma. Saka ko na pipiktyuran, walang battery ung camera. Pero bago ko nakuha…
*tsingining*
5pm umalis na ko sa office, 6pm ang usapan namin sa Trinoma. Nag-MRT ako.
Stupid stuff part 1: South bound ung nasakyan ko
“syet, bakit pabalik ang takbo ng mrt?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“juana, baba ka na lang sa Boni”
Edi ayun, baba nga ako sa Boni. Syempre hindi ko alam dun noh, first time ko sa station ng Boni, pero go with the flow lang ako, kunwari alam ko pinupuntahan ko. LOL. Iniisip ko, kung pwedeng gamitin ko na lang ulit ung card ko para pumunta ako ng north, pero dahil sa lost na ang drama ko, utak ko ayaw nang mag function, at natuluyan na ung pagkatanga ko.
“juana, exit ka na lang, at bumili ka ulit ng bagong card”
May card na ko ulit, edi medyo okay na pakiramdam ko, confident ako ulit, back to the top! Nagtanong ako sa guard.
“kuya, saan po ung pa-north?”
“kanan ka lang”
Edi kanan. Lakad lakad lakad.
Stupid stuff part 2: Baba, kanan
Pagdating sa dulo, ipinasok ko na yung mrt card ko sa suksukan *kung ano man ang tawag dun* tas biglang hindi na siya lumabas ulit at ayaw umikot nung *syet di ko na naman alam ang tawag* ayaw akong palabasin!!!
“juana! lapit nang mag 6 kakainin pa ung card mo!”
Tinawag ko si manong guard.
“hindi po lumabas ung card ko, kinain”
“stored value ba yun?”
“hindi po”
Pinadaan niya ako dun sa may gate. Daan naman ako. Tas naisip ko, teka teka!
“eh kuya, kelangan ko ung card ko, paano ako makakalabas sa kabila?”
“ha? papunta ka ba saan?”
“north ave. po”
“eh exit na toh eh.”
BOOM. Sumabog ang mundo. Sa harap ko mismo. *dusts all over*
Accidental exit daw ang kaso ko. Wow, accidental exit. LOL. Nag explain na lang ako na di ko kabisado ung Boni station. Sabi ni manong guard, punta daw ako dun sa operation officer sa kabilang dulo at bibigyan ako ng pass, ni-radyo na daw niya, sabihin ko lang daw, accidental exit. lol. Pinapasok ako dun sa loob ng ticket booth. COOL. Ilang ordinary commuters lang ba ang nakakapasok dun? mga tanga lang. HAHA. Binigyan niya ko ng papel. COOL. Napatingin ako sa labas, nakita ko ung guard na pinagtanungan ko, at ung mukha niya parang nagtataka na parang natakot kasi kasalanan niya. LOL. At sa loob-loob ko lang “langya ka, hintayin mo kong makalabas dito.” Paglabas ko, sinalubong niya ko. Dahil sa likas sakin ang kabaitan di ko naman siya inaway.
“Accidental exit ako kuya, sabi nyo kasi kanan eh.”
“Sabi ko, baba ka diyan sa may hagdan, at kanan”
Whew, di pala ako tanga, bingi lang!
Pagdating ko sa North Ave. station, ung mga tao kanda-ugaga sa pagpila, eh ako inabot ko lang ung papel sa guard at pinagbuksan na niya ko ng gate. COOL.
ito ang ebidensiya:
maraming beses na nagyari sa akin yan! Hidi yung accidental exit ha, yung nbumababa ako sa ibang station. kung bingi ka, ako namn bulag at bingi!
lol nakakatawa yung exp mo, nakakakaba pa naman sa mrt parang chaotic lagi eh 🙂
parang gubat ang mrt, survival of the fittest!
wakoko
I’m not alone pala? Kala ko ako lang ang natatakot sa MRT. Nyarrrrr.
Walang gamot dyan! =P
-ed
TSE!
bat lagi kang may -ed, anong pauso ba yan ha??? comment by ED, tas may dash ed pa ulit. LOL
“BOOM. Sumabog ang mundo. Sa harap ko mismo. *dusts all over*”
i like this statement, cool, ahahaha! para akong tanga dito sa harap ng pc tawa ng tawa
kulot, wait ’till you meet the minolah in person. *tawa*
hoy kikay, anong pinagsasabi mo jan? opismate ko yan. LOL.
sumabog talaga mundo ko nun. hayayay
I knew it!!
Oist! Tawag dyan ay signature. Matagal na yan uso, panahon pa ng lumang sibilisasyon ng Egypt! =P
-ed!
ang sinasabi ni minolah Mr ED ay… redundant kasi
to have your name on top and then at the bottom…